lawà na may tubig-alat at nása hanggáhan ng Israel at Jordan
pa•táy
1:
pag-aalis ng búhay sa isang tao, hayop, o haláman
2:
pagdudulot ng wakás sa anuman, gaya ng pagpapahinto ng tulo ng gripo, pagsasara ng bombil-ya, pagsugpo sa apoy o súnog, o pag-bigo sa pangarap o layunin
3:
habi na ginagawâ sa banig o sombrero na gawâ sa palma.
dá•gat
:
malawak na tubig alat na bumabálot sa malakíng bahagi ng rabaw ng mundo at pumapalibot sa kalupaan
pá•tay
:
mabagal kumilos
Dágat Celebes (dá•gat sé•le•bés)
:
bahagi ng Pasipiko sa pagitan ng Celebes at Filipinas
Dá•gat Tsí•na
:
dagat na bahagi ng Pasipiko at nása hanggahan ng Tsína
Dágat Aegean (dá•gat i•dyí•yan)
:
isang panig ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng Gresya at Turkey
Dá•gat Me•di•te•rá•ne•ó
:
dágat na napalilibutan ng Europa, Africa, at Asia
Dágat Ionian (dá•gat a•yó•ni•yán)
:
isang panig ng Dagat Mediteraneo sa timog Italy, silangang Sicily, at Gresya
Dá•gat I•tím
:
dagat sa pagitan ng Europa at Asia at nahahanggahan ng Turkey, Romania, Bulgaria, at Unyong Sobyet
Dá•gat Su•la•wé•si
:
Dágat Celebes
Dagat Adriatico (dá•gat ad•ri•yá•ti•kó)
:
isang panig ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng Italy at tangway Balkan
Dágat Caribbean (dá•gat ká•ri•bí•yan)
:
bahagi ng Karagatang Atlantiko na nása pagitan ng Antilles at ng Gitnang Timog Amerika
Dá•gat Pu•lá
:
dagat sa pagitan ng Egypt at Arabia
Dágat Caspian (dá•gat kás•pi•yán)
:
lawà na may tubig-alat na nása pagitan ng timog-silangang Europa at Asia
pa•táy ang bu•wán
:
gabi na wa-lang buwan.
A•raw ng mga Pa•táy
:
pambansang paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao at opisyal na ginagawâ tuwing 1 Nobyembre sa pamamagitan ng misa, pagdalaw at pagbabantay sa sementeryo, pagtitirik ng kandila, at pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod